7 Things To Do To Jumpstart Your Life

August 12, 2016

All of us go through some moments of doubts? What on earth am I here for? What’s the next thing to do? Who will I be? Where should I go? How can I achieve the things that I’ve been wanting to achieve? When can I get all that I’ve listed down in my bucket list?

Stuck ka ba?

Actually, sobrang lagi din akong nag-iinstrospect. Pero sabi nga nila, too much of everything is dangerous din. So go through this phase of your life, at tanggapin mo rin ang katotohanan na kailangan mong gumalaw, harapin ang buhay at mag-try ng mag-try ng mga bagay hanggang ma-achieve o makuha mo ang mga bagay na gusto mong makuha.

Ako rin, sobrang dami kong times na nag-slow down para mag-isip at magplano. Kailangan sya, oo. But not to the point na unproductive ka na at iniwanan mo na ang lahat sa buhay mo.

Pero bago mo gawin ito lahat, hinga ka muna. Relax. Hindi lang ikaw ang nag-iisang may pinagdadaanan sa mundo. Marami. Marami tayo.

Here are some of the things that I can suggest so you can get back on track.

  1. ACCEPT THAT YOU ARE IMPERFECT. Ouch! Oo, ganun talaga! Minsan kasi masyado tayong perfectionist. Gusto mo lahat ng ipagdasal mo at planuhin mo makuha mo. We are imperfect and our life is imperfect. Malaking bagay din on how we look at life. See life with so much gratitude na the fact na buhay ka pa, ibig sabihin may pag-asa pa!
  2. WRITE IT DOWN. Ang tawag ng iba dito ay mental white space. Isulat mo lahat ng naiisip mo. As in lahat. Wag kang mag-edit. Kapag naisulat mo na lahat: a) Cross-out mo yung mga hindi mo na kailangang isipin. b) Bilugan ang mga importante. c) Pagsamasamahin ang mga magkakaparehas. d) Gumawa ka ng mga category or roles – personal mo ba yan? marriage? anak? office? etc.
  3. BE GRATEFUL. Minsan tingin ka ng tingin sa kapitbahay mo. Hindi mo na nakikita ang mga bagay na meron ka. Pwede mong simulan sa pagbibilang ng mga bagay na binibless ka ni Lord. Ang dami! Simulan mo sa breathing. Breathing in oxygen means you are alive! Your home, the people who love you, nature, etc. Counting all of these will make you feel accomplished.
  4. NOURISH YOUR SPIRITUAL LIFE. Ako sobrang pansin ko yan. Whenever I am moving away from God or yung minsan na feeling ko ang galing ko na at hindi ko na Sya kailangan, I always feel empty. What I do I stick to reading daily devotion. I’m a Catholic. I use Kerygma’s daily email containing Didache, Companion and Sabbath. I also go weekly spiritual gathering, I go to The Feast. I also know that having a connect group, light group or whatever you call it can help you nourish your spirituality. Iba yung feeling na belong ka, na may group na authentic ka. But sometimes, I also feel disconnected din kay Lord. Yung parang pasok sa tenga, labas sa kabila. May ganun din ako minsan. Pero alam ko, I’m a work in progress and God still loves me whatever happens. As long as I’ll stick around, for sure magdedevelop pa ang spiritual life ko.
  5. SEEK FOR ADVISE. I have a lot of people that I look up to. They are my life models. I’m so blessed to be surrounded with people whom I can text, call or meet up to ask for advise. So, minsan, gusto ko lang ng ibang ideas, ibang point of view, I ask for their help by giving me a new perspective about my struggles or confusion. Kaya keep on expanding your network, di mo alam kung sino sino ang mga pwedeng makatulong sayo in the future.
  6. MOVE! Ayun. Minsan, di mo naman kailangang mag-isip ng mag-isip. Minsan ang susi sa tagumpay ay galaw ka lang. Kasi sa totoo lang marami sa atin, gusto natin perfect lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. Pero never namang mangyayari yun. Unless we move, we will not grow. So kung gusto mong may mabago. Magdecide ka nang magstep forward. Sabi nga ni Martin Luther King, “Just take the first step in faith, you don’t have to see the whole staircase, just take the first step.”
  7. STOP. Kapag masyado nang negative ang naiisip mo, sabihan mo ang sarili mo ng “stop!”, tapos focus mo na energy mo sa ibang bagay. Kasi kakaisip mo, na-stuck ka na lalo, nadedepress ka pa. Pwede ka ring mag-stop sa mga bagay na ginagawa mo at nagpapahirap sayo. Pwedeng lumayo ka muna. Tignan mo ang sarili mo sa malayo. Ano na bang kaganapan? San ka ba patungo ngayon? Gusto mo ba ang tinatahak mo? San mo ba gustong pumunta? Mag-travel ka. Mamundok. Lumangoy ka. Baka sa paglayo, mahanap mo ang kasagutan sa mga tanong mo.

Actually, marami pang steps, marami pang suggestions. Pero gawin mo muna yan. Baka makatulong sayo. Lahat nang yan, pinagdaanan ko at ginawa ko. I am just so thankful that all of us are work in progress. Lahat may pag-asa. Lahat pwedeng mag-move on. Pwede kang magbago at magsimula ulit.

Tara! Tahakin natin ang buhay na may galak sa ating mga puso! Kaya ko, kaya mo, kaya natin!

Praying for your life’s success,

Ivy Sepe


Comments are closed.