Iskolar ng Japan

April 20, 2016

Bigla naalala ko yung mga opening songs na pinapakanta sa amin kapag umaattend ng meeting kaming mga scholars ng mga japanese nung elementary ako…

Arigato mina

Arigato kamisama

Arigato kyoho

Arigato itsumo


Until now di ko alam anong meaning ng mga words na yan. Pero whenever we sung that song, I FELT HOPEFUL AND GRATEFUL.

Ang hirap magmaintain ng grades! Grabe. Bata pa lang ako kailangan ko nang magsunog ng kilay para ma-maintain ang scholarship. Otherwise, tanggal ang scholarship, walang allowance, struggle sa pang-araw araw na gastos. Nakakaasar. Kasi naglalaro yung iba, ako nag-aaral. Di ako matalino, masipag lang talaga ako.

Pero at that age, naiisip ko. Maswerte ako, hindi lahat ng bata nabibigyan ng pagkakataon katulad ng tsansang meron ako.

Pinagbutihan ko hanggang sa naengganyo ang sponsor kong bisitahin ako dito sa Pilipinas. Kahit di kami magkaintidihan, Pinoy ako, Hapon sya, sign language lang. Solve na! Ah, basta! Ang alam namin may pagmamahal at pag-asa para sa bawat isa. Goal ko din ngayon na sana mabisita ko sya sa Japan. #travelgoals

Naaalala ko rin muntik na ako magPre-Med sa UST. Hindi lang natuloy kasi biglang pumasa ako sa SM Foundation Scholarship. Pero okay lang, at least nameet ko sa FEU ang poging si Don, ang aking kabiyak.
Sabi nga nila,

Everything has a reason. Everything has a purpose.

Pero grabe ang nabuo sa aking disiplina at determinasyon dahil sa pangyayaring ito. Ngunit kalakip nito’y pagod at puyat. Di rin maiwasang akalaing nakikipagkumpetensya ka sa ibang estudyante. Ang di nila alam, ginagawa mo yun kasi may quota grade ka. Hehe. Sa totoo lang mas masarap maglaro. Pero ganun talaga. Responsibilidad yun ng mga panahon na yun. Di rin maiwasang tumaas ang expectations sa iyo ng mga tao. Grabe, ako mag-please ng mga tao hanggang ngayon. Nakakapagod pala. Salamat sa Diyos, unti unti Nyang minumulat sa akin ang halaga ko kahit na di ko pa ma-achieve lahat ng gusto ko para sa sarili ko (sa ngayon). Still, His mercy, grace and favor overflows. #daratingdintayodyan

BTW, sarili ko talaga ang kalaban ko madalas. Malakas ako mang-away ng sarili. Haha.

Naku, isa pa, akala ng iba model student ako. Haha, di nyo lang alam! Naranasan ko ring mangopya ng very light, mambully at mandaya. Yung pambubully, totoo yun, matangkad kasi ako nung elementary. Bumawi naman ang panahon. Because right now, I am “vertically challenged”.

Ngayon, di ko akalaing magbubunga lahat ng hirap at pagod. Di ko masasabing materyal lang. Pero maraming aspeto ng buhay ko ang nabago. Masaya ako at fulfilled. Ang isa sa pinakaimportante – nakakain ko na ang mga gustonkong kainin! #alamnathis #pampataba

Di ko masasabing I have arrived kasi ang daming pang pwedeng matutunan sa buhay. #workinprogress
Ngayon naniniwala ako na ang Diyos talaga nagbibigay ng siksik, liglig at umaapaw. Hindi lahat materyal – kadalasan kalusugan, kaibigan o simpleng nakakakita, nakakapagsalita o nakakalakad ka lang. Pero di ibig sabihin di ka na mangangarap ng mga materyal na bagay. Pwede pa rin! Kaloob din yan ng Diyos!

Isa pa, minsan mapapaisip tayong sumuko sa buhay pero ang Diyos pala hindi napapagod sa atin. Pinapalakas nya lang tayo kaya minsan may mga pagsubok. Bad trip lang din talaga minsan kasi tatanong natin, bakit ako pa? Bakit di na lang yung iba? Tapos walang sagot di ba? Ganun talaga. Pinapalakas nya pala ang FAITH natin. Because “WE WALK BY FAITH NOT BY SIGHT.”

Kaya, tuloy lang ang laban! Maghilahan tayo pataas. Maraming magagawa kung lahat tayo ipaglalaban ang buhay natin para sumagana. Kapag nagawa natin, maipapasa natin sa iba ang mga matutunan natin!
Kaya salamat sa Japanese sponsor ko na si Ms. Kayoko Watanabe from Hiroshima Japan. Kung di kayo nakatulong sa pagtustos ng pag-aaral ko, hindi ako magiging responsableng Pilipinong lumalaban sa buhay.

This was our parting song during our meetups:

Thank you very much!

Thank you very much!

Thank you so much for being with us.

We’ll pray for you.

We’ll pray for you.

Good luck! Good health! God bless you! We love you!

P.S. #letsprayforjapan on their most recent natural calamity.


Comments are closed.